Finish Contract na te. Tanggapin mo na!

Kailan nga ba nagsimula?

Hindi ko rin alam e. Ang alam ko lang isang araw nagising ako at naramdaman kong hindi mo na ko mahal.

Oo, hindi mo kailangang sabihin, dahil nararamdaman ko. Hindi mo na kailangang sabihin dahil araw araw pinaparamdam mo.

Pinaparamdam mo sa tuwing hindi ka magrereply sa mga text messages ko,

Pinaparamdam mo sa tuwing hindi mo sinasagot ang tawag ko habang nasa gimik ka at kinabukasan makikita ko ang mga pictures mo na may kainuman, kaakbayang babae at masayang masaya ka. Habang ako hindi mapakali sa higaan, iniisip kung bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko, samantalang dati ikaw ang nangungulit sakin.

Pinaparamdam mo sa tuwing ang sagot mo sa tanong ko kung kelan mo ko dadalawin ay soon.  Ang soon na apat na buwan na ang nakakalipas ay soon padin.

Kaya oo, tinatanggap ko na! Finish contract na tayo. Ayoko na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s